"You'll never change what's been and gone.."
Wala ako masyadong pinagsisihan nung first semester. Hindi ko pinagsisihang na nag-drawing ako ng prof at nilagay ko dito sa blog ko na naging malaking issue sa klase namin. Hindi ko pinagsisihang na nag-drawing ako ng prof ko at nilagyan ko ng sungay (mapo-post rin dito yun, promise!). Hindi ko pinagsisihang naging maingay ako sa klase, and for the record, naka-limang strikes ako (ang daldal ko talaga!). Hindi ko pinagsisihang nasira ko ang faucet sa banyo ng school at nagmistulang swimming pool dahil barado pala ang leche! Hindi ko pinagsisihang na mag-cutting class at pumunta ng Marquee Mall kasama ang ibang classmates ko. Hindi ko pinagsisihang mag-backstab at maging plastic sa mga "Haters' club" sa klase namin, kasi naman maraming ganun samin, nakikiuso lang ako.
Pagdating sa lablayp, hmmm... Sa totoo lang marami-rami. Pinagsisihan kong makilala ang isang lalaki, who took me for granted, at naging dahilan para iwanan ako ng ex-papa ko. Pinagsisihan ko rin na na-inlab ako sa kanya. Pinagsisihan kong nag-Super Unli ako para matawagan siya, pero ayaw niya pala ako kausap. Pinagsisihan ko lahat.
Pero tao lang ako, minsan lang tumama at madalas magkamali.
Hindi makakagawa ng mga quotes si Confucius kung hindi siya nagkamali at naging emo. Kelangan lang talaga ng tao na dumaan sa madami at paulit-ulit na pagsubok, hanggang sa ma-perfect natin, hanggang sa matuto tayo. Masakit madapa, nakakabaliw ang bumagsak sa mga subjects, nakaka-depress ang ma-heart broken... Pero merong nurse na bahala sa sugat mo, merong prof na handang maturo sayo, merong bagong lalaki o babae na darating sa buhay mo at magpapakilig sayo... Laging merong sagot sa lahat ng problema... Laging merong gamot sa lahat ng sakit... Ganyan lang ang buhay, ginagawa lang natin itong komplikado dahil komplikado tayo mag-isip.